Sa isang ulat na inilabas Martes, Enero 15, 2019, ng Oxford Economics, think tank ng Britanya, sinabi nito na ang Tsina ay nananatiling pinakamahalagang trade partner ng iba pang ekonomiya sa rehiyong Asya-Pasipiko. Anito, ito ay hindi magbabago sa loob ng mga darating na taon, dagdag pa ng ulat.
Ipinalalagay nito, na sapul nang sumapi ang Tsina sa World Trade Organization (WTO) noong 2001, naisakatuparan ng kabuhayang Asya-Pasipiko at kabuhayang Tsino ang mataas na pagsasamahan. Ang Tsina ay hindi lamang pangunahing bansang pinagluluwasan ng maraming bansang Asya-Pasipiko, kundi maging pangunahing bansang pinagmumulan ng pag-aangkat, anito pa.
Salin: Li Feng