Isinabalikat Enero 15, 2019 ng Palestina ang tungkulin bilang tagapangulo ng Group of 77.
Nang araw ring iyon, sa seremonya ng pagtanggap, ipinahayag ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, na magsisikap ang Palestina, kasama ng mga kasaping bansa para pasulungin ang mga development agenda ng grupo at pangalagaan ang interes at mga makatarungang usapin ng mga umuunlad na bansa.
Dumalo sa pagtitipon sina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, María Fernanda Espinosa Garcés, Chairman ng Pangkalahatang Asemblea ng UN at mga kinatawan ng Non-Aligned Movement. Ipinahayag ni Guterres na gumaganap ng mahalagang papel ang kooperasyong multilateral sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag ni Espinosa ang pag-asang magtatamo ng tagumpay ang Group of 77 sa ibat-ibang larangan, sa ilalim ng pamumuno ng Palestina, batay sa diwa ng pagkakaisa.