|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Pebrero 19, 2019, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang unang dokumentong pampatakaran sa kasalukuyang taong pinamagatang "Ilang Mungkahi ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Konseho ng Estado ng Tsina Tungkol sa Pagpapauna ng mga Gawain ng Agrikultura, Kanayunan, at mga Magsasaka." Nitong nagdaang 16 na taong singkad, inilabas ng pamahalaang Tsino ang ganitong dokumentong nagpopokus sa isyung naturan.
Sa bagong kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mataas na kalidad, at walang humpay na pagtaas ng pangangailangan ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay, ang pagpapalabas ng nasabing dokumento ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng lideratong Tsino sa isyu ng agrikultura, kanayunan, at mga magsasaka.
Ang kaligtasan sa pagkain ay pundasyon sa naturang isyu. Sa kasalukuyan, pinapakanin ng Tsina ang halos 20% populasyon sa buong mundo sa pamamagitan lamang ng 10% tanim. Kaya, ang seguridad ng pagkain ay palagiang pinakamahalagang pangyayari sa bansa. Kaugnay nito, ipinagdiinan ng nasabing dokumento na dapat palakasin ang seguridad ng pagkain. Bukod dito, dapat din anitong palalimin ang reporma sa agrikultura.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |