Isinumite kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, ang panukalang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, para suriin.
Sinabi ni Wang Chen, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, na ang paggawa ng naturang batas ay mahalagang hakbangin ng Tsina para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas at pagpapasulong sa pamumuhunang dayuhan.
Nakalakip sa panukalang batas ang mga regulasyon hinggil sa pagpasok, pagpapasulong, pangangalaga, at pangangasiwa sa pamumuhunang dayuhan. Ang pinakapangunahing nilalaman ay pagsasagawa ng pre-established national treatment at negative list management system sa mga mamumuhunang dayuhan.
Salin: Liu Kai