Isiniwalat Linggo, Marso 10, 2019 sa Beijing ni Yi Gang, Presidente ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, na sa proseso ng katatapos na ika-7 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyu ng kabuhaya't kalakalan, tinalakay ng kapuwa panig ang isyu ng exchange rate, at narating ang komong palagay sa maraming masusi't mahalagang isyu.
Winika ito ni Yi sa isang news briefing ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Diin ni Yi, ang isyu ng exchange rate ay palagiang mahalagang isyu ng mga bilateral at multilateral na plataporma na gaya ng G20 at International Monetary Fund. Matagal aniya din ang pagtalakay ng Tsina at Amerika sa isyung ito.
Salin: Vera