Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, binigyan ng patnubay ang pag-unlad ng Lalawigang Fujian

(GMT+08:00) 2019-03-10 22:25:39       CRI

Linggo, Marso 10, 2019, sa panel discussion ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, hinangaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang daputado ng NPC mula sa isang pribadong bahay-kalakal na si Ding Shizhong.

Si Ding ay Board Chairman at CEO ng Anta Sports, ika-3 pinakamalaking bahay-kalakal ng kagamitang pampalakasan sa buong mundo, kung kabuuang halaga ng pamilihan ang pag-uusapan. Noong 2001, di-kukulangin sa 300 milyong yuan RMB ang kita ng Anta Sports, at tumaas sa 24.1 bilyong yuan RMB ang kita nito noong 2018.

Pagkaraang pakinggan ang karanasan ni Ding sa pagpapaunlad ng kompanya, sinabi ni Pangulong Xi na dapat manatiling matapat at masigasig sa proseso ng pagpapaunlad ng ang real economy.

Ang Lalawigang Fujian ay isa sa mga lalawigan na unang nagbukas sa labas, at malakas din ang pribadong kabuhayan dito. Saad ni Xi, dapat likhain ang magandang kapaligirang pangkaunlaran na makakabuti sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo, at pagkamalikhain. Dapat din aniyang pasiglahin sa pinakamalaking digri ang lakas-panulak ng buong lipunan sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo at pagkamalikhain, at walang humpay na palakasin ang impluwensiya at kakayahang kompetetibo ng Tsina sa pabagu-bagong arenang pandaigdig. Diin niya, dapat ipagkaloob ang paborableng kondisyon para sa mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal, at mga kabataan.

Malapit sa Taiwan ang Lalawigang Fujian. Nagtrabaho minsan si Xi sa Fujiang nang 17 taon. Ipinagdiinan niyang dapat hanapin ang bagong landas ng pag-unlad na may pagsasama-sama ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

Dagdag ni Xi, dapat pataasin ng magkabilang pampang ang kaalwanan ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at konektibidad ng imprastruktura, enerhiya, yaman at pamantayan ng industriya, at itatag ang Fujian bilang unang tahanan ng mga kababayan at bahay-kalakal na Taiwanese sa Chinese mainland.

Ang Fujian ay isa sa mga kilalang lumang rebolusyonaryong sona sa Tsina. Sa panahon ng digmaan noong nagdaang siglo, napakalaking ambag ang ginawa ng mga sonang ito para sa pagtatatag ng bagong Tsina, bilang base ng rebolusyon ng Partido Komunistan ng Tsina (CPC). Sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, maraming beses na naglakbay-suri sa mga lumang rebolusyonaryong sona si Xi Jinping, para kamustahin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad.

Ani Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. dagdag niya, hinding hindi dapat makalimutan ang mga mamamayan sa mga lumang rebolusyonaryong sona, at igarantiyang hindi mahuli ang mga sonang ito, sa proseso ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>