Sa panahon ng kanyang pagdalo sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, binigyang-diin Linggo, Marso 10, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat likhain ang magandang kapaligirang pangkaunlaran na makakabuti sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo, at pagkamalikhain. Dapat din aniyang pasiglahin sa pinakamalaking digri ang lakas-panulak ng buong lipunan sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo at pagkamalikhain, at walang humpay na palakasin ang impluwensiya at kakayahang kompetetibo ng Tsina sa pabagu-bagong arenang pandaigdig. Diin niya, dapat ipagkaloob ang paborableng kondisyon para sa mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal, at mga kabataan.
Ang Lalawigang Fujian ay isa sa mga lalawigan na unang nagbukas sa labas, at malakas din ang pribadong kabuhayan dito. Saad ni Xi, dapat puspusang resolbahin ang mga problema sa sistema at mekanimo na nakakaapekto sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo at pagkamalikhain, ipatupad ang iba't ibang patakaran at hakbangin sa paghimok at pagsuporta sa pag-unlad ng pribadong kabuhayan, at likhain ang makatarungan, maliwanag at legalisadong kapaligiran para sa pag-unlad ng iba't ibang uri ng bahay-kalakal.
Salin: Vera