Sa panahon ng kanyang pagdalo Linggo, Marso 10, 2019 sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat hanapin ang bagong landas ng pag-unlad na may pagsasama-sama ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
Dagdag ni Xi, dapat pataasin ng magkabilang pampang ang kaalwanan ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at konektibidad ng imprastruktura, enerhiya, yaman at pamantayan ng industriya, at itatag ang Fujian bilang unang tahanan ng mga kababayan at bahay-kalakal na Taiwanese sa Chinese mainland.
Salin: Vera