Nakapasa ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Marso 2019, sa pagsusuri ng Pambansang Kongresong Bayan, organong lehislatibo ng Tsina, ang Batas sa Dayuhang Pamumuhunan. Magkakabisa ang batas na ito sa unang araw ng susunod na taon.
Ipinahayag ng mga dalubhasang pambatas, tagapag-analisa, at tauhan mula sa sirkulong komersyal ng ilang bansang Timog-silangang Asyano, na ito ay nagpapakita ng determinasyon at direksyon ng Tsina sa ibayo pang pagbubukas sa labas. Ipinalalagay din nilang, ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas ay makakabuti sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, at magdudulot din ng mas maraming pagkakataon sa mga mamumuhunang dayuhan.
Salin: Liu Kai