Paris, Pransya—Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo Marso 26, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Gérard Larcher, Puno ng Senado at Richard Ferrand, Puno ng Pambansang Asembleya ng Pransya.
Ipinahayag ni Xi ang kasiyahan sa pagdalaw sa Pransya. Aniya, ang relasyon ng dalawang bansa ay batay sa pagkakaibigan ng mga mamamayan, at nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pagpapalitan sa larangan ng kultura, sa pagitan ng iba't ibang lugar. Kumakatig rin aniya siya sa pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga lehislatura ng Tsina at Pransya.
Ayon kay Larcher, naninindigan ang Pransya sa pangangalaga sa multilateral na mekanismo batay sa "Karta ng United Nations," at pagpapahigpit ng koordinasyon at kooperasyon sa panig Tsino.
Ipinahayag naman ni Richard Ferrand, na nakahanda ang Pambansang Asembleya ng Pransya, na palalimin ang pagkakaibigan sa pagitan ng Pransya at Tsina.
Salin:Lele