Ipininid Sabado, Marso 30, 2019, sa Hong Kong ang 2018 Sha Tin Festival. Ipinahayag ng mga kalahok, na kasabay ng patuloy na pagdaragdag ng laang-gugulin ng pamahalaan Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) para mapataas ang lebel ng pamumuhay ng mga residente, walang humpay rin nitong isinusulong ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Hong Kong at mainland, sa pamamagitan ng konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area (GBA).
Ang Sha Tin ay isang bagong bayang maagang napaunlad sa New Territories ng Hong Kong. Matapos ng nasabing pag-unlad, ito'y nagiging isang magandang lugar kung saan naninirahan ang halos 700 libong tao mula sa isang maliit na nayon. Ang Sha Tin Festival ay isang malaking pangyayaring idinaraos bawat apat na taon sa Sha Tin District. Layon nitong isalaysay sa mundo ang tungkol sa pag-unlad at katangian ng distritong ito.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Wang Tingcong, Deputado ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) mula Hong Kong, na napakalaking katuturan ang nasabing kapistahan. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, ibayo pang mapapasulong ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng Guangdong, Hong Kong, at Macao.
Salin: Li Feng