|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon, Lunes, Abril 1, 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa delegasyon ng Elders, na binubuo ng mga dating lider ng mga bansa at pandaigdig na organisasyon.
Sinabi ni Xi, na laging nagsisikap ang Tsina para pangalagaan ang multilateralismo at pandaigdig na kooperasyon, at ang pagharap ng Belt and Road Initiative ay bahagi ng pagsisikap na ito. Dagdag niya, buong husay na hahawakan ng Tsina ang sariling mga suliranin, bilang ambag sa daigdig.
Tinukoy din ni Xi, na nakahanda ang Tsina na palakasin ang relasyon ng mga malaking bansa, na gaya ng relasyong Sino-Amerikano, para pasulungin ang katatagan ng buong mundo.
Sa ngalan ng mga kinatawan ng delegasyon, nagbigay naman ng mga pahayag sina Mary Robinson, Tagapangulo ng The Elders at dating Pangulo ng Ireland; Ban Ki-moon, Pangalawang Tagapangulo at dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations; at Ernesto Zedillo, dating Pangulo ng Mexico. Ipinahayag nila ang pag-asang, patuloy na gaganap ang Tsina ng namumunong papel sa pangangalaga sa mga sistemang multilateral na ang nukleo ay UN, at pagpapalakas ng kooperasyong multilateral sa mga aspekto ng katiwasayang panrehiyon at pandaigdig, pagharap sa pagbabago ng klima, at iba pa.
Ang Elders, ay grupong sinimulan ng dating Pangulo ng South Africa na si Nelson Mandela noong 2007. Layon nitong isulong ang diyalogo sa pagtugon sa alitan at hanapin ang mga solusyon sa mga pandaigdigang problema gaya ng kahirapan at sakit.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |