|
||||||||
|
||
Mula Marso 21 hanggang Marso 26, 2019, dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Italya, Monaco at Pransya. Maraming "una" ang nakikita sa unang biyahe ng pangulong Tsino sa ibayong dagat sa taong 2019.
Ang Italya ay naging unang miyembro ng G-7 na sumapi sa Belt and Road Initiative (BRI).
Pitong daan at siyamnapu't anim (796) na relikyang kultural ng Tsina ang ibinalik ng Italya. Ito ang unang pinakamalawak na pagbabalik ng mga relikyang kultural ng Tsina nitong 20 taong nakalipas. Bunga rin ito ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagbibigay-dagok sa pagpupuslit ng mga relikyang kultural.
Ang pagdalaw ni Xi sa Monaco ay ang unang biyahe ng isang puno ng estado ng Tsina sa nasabing bansang Europeo.
Ipinagkaloob ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya ang Analekta ni Kompyusyus sa wikang Pranses na inilimbag noong 1688. Ito ang isa sa dalawang natitirang libro ng nasabing bersyon sa kasalukuyan.
Idinaos ng Tsina't Pransya ang kauna-unahang Seminar hinggil sa Pangangasiwa sa Mundo, na nilahukan nina Xi, Macron, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya at Pangulo ng Jean-Claude Juncker ng European Commission.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |