Sa paanyaya ni Punong Ministro Andrej Plenkovic ng Croatia, mula ika-8 hanggang ika-12 ng Abril, 2019, magsasadya sa Brussels si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para dumalo sa ika-21 pagtatagpo ng mga lilder ng Tsina at Unyong Europeo (EU). Dadalo rin siya sa ika-8 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa sa Croatia, at opisyal na dadalaw sa nasabing bansa.
Sa news briefing Miyerkules, Marso 3, ipinahayag ni Wang Chao, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang gagawing biyahe ni Premyer Li ay isa pang mahalagang pag-uugnayan ng Tsina at Europa sa mataas na antas sa kasalukuyang taon. Nagpapakita aniya ito ng lubos na pagpapahalaga ng diplomasya ng Tsina sa Europa.
Dagdag ni Wang, sa kasalukuyan, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo, at mayroong malawakang komong interes ang kapuwa panig sa aspekto ng pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta. May komong paninindigan din ang magkabilang panig sa pangangalaga sa multilateralismo at malayang kalakalan, aniya pa. Nananalig aniya ang Tsina, na ibayo pang patataasin ng gagawing biyahe ni Li ang katatagan, estratehiya at mutuwal na kapakinabangan ng relasyong Sino-Europeo.
Salin: Vera