|
||||||||
|
||
Sa Rome nauna rito, mahigit 200 mambabasa mula sa Tsina at Italya ang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa una at ika-2 edisyon ng librong "Xi Jinping: The Governance of China." Ang prinsipal at 8 estudyante ng isang boarding school ng Italya ay nakatanggap ng liham ni Pangulong Xi bilang sagot sa kanilang liham, at may lagdang kopya ng Chinese version ng ika-2 libro ng "Xi Jinping: The Governance of China."
Jiang Jianguo (C), deputy head of the Publicity Department of the Communist Party of China Central Committee, and Paolo M. Reale (5th, L), president of Rome Convitto Nazionale Vittorio Emanuele II, an Italian boarding school, pose for a photo with Italian students at a seminar on "Xi Jinping: The Governance of China" in Rome, Italy, March 20, 2019.
Nilagom sa una at ika-2 bahagi ng nasabing libro ang mga bagong kaisipan, ideya at pagtasa ng kataas-taasang lider ng Tsina hinggil sa mga suliraning panloob at pandaigdig. Sa kasalukuyan, isinalin ito sa 24 lengguwahe, inilabas na ang 28 bersyon, at mabiling mabili sa mahigit 160 bansa't rehiyon. Nagsilbi itong libro ng lider na Tsino na may pinakamalaking impluwensiya sa ibayong dagat, nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas. Ang video series na "Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping" batay sa mga talumpati, artikulo at pananalita ni Xi ay isinalin naman sa maraming lengguwahe na kinabibilangan ng Ingles, Hapones, Koreano, Espanyol, Italyano at iba pa. Lampas sa 100 milyon ang mga dayuhang manonood nito.
Sa kasalukuyang pabagu-bagong daigdig, di-maihihiwalay sa isa't isa ang Tsina at daigdig. Partner o kalaban ba ang Tsina? Pagkakataon o debt traps ba ang ibubunga ng mabilis na pag-unlad ng Tsina para sa daigdig? Inilahad ng nabanggit na libro ang pinakatunay, pinakapragmatiko, at pinaka-awtorisadong sagot sa naturang mga tanong. Ipinalalagay ni Helmut Schmidt, dating Chancellor ng Alemanya, na makakatulong ito sa pag-uunawa ng mga dayuhang mambabasa sa Tsina, batay sa obdyektibo, historikal at multi-anggulo.
May sariling pangarap sa kapayapaan at kaunlaran ang bawat bansa at nasyon. Nalaman ng parami nang paraming bansa at mamamayan na ang Tsina ay kaalyansa, sa halip na kalaban, at ang pag-unlad ng Tsina ay mahalagang puwersa ng katatagan, sa halip na kaguluhan. Ito ang dahilan kung bakit malawakang tinatanggap ang ideya ng Community with a Shared Future for Mankind at Belt and Road Initiative na iniharap ni Pangulong Xi.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |