Bago dumalo sa Ika-21 Summit ng Tsina at Unyong Europeo at Ika-8 Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa, inilabas kahapon, Lunes, ika-8 ng Abril 2019, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang artikulo sa pahayagang Handelsblatt ng Alemanya.
Ipinahayag niya ang pag-asang, sa pamamagitan ng dalawang pulong na ito, pasusulungin ang mga estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Europa, at palalakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga suliraning pandaigdig. Ito aniya ay para isakatuparan ang komong pag-unlad ng Tsina at Europa, at pasulungin ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai