Sa regular na news briefing na idinaos kahapon dito sa Beijing, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, dapat gumawa ng mga aksyong makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan ang mga kaukulang bansa at iwasan ang mga hakbanging posibleng magdulot ng lalo pang paglala ng pangkagipitang kalagayan sa nasabing rehiyon.
Kaugnay nito, sa isang pahayag na ipinalabas noong ika-8 ng buwang ito, sinabi ni Pangulng Donald Trump ng Amerika na ilagay ng kanyang administrasyon ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa listahan ng Teroristikong Organisasyong Dayuhan (FTO). Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Amerika na ibilang ang isang puwersang military ng ibang bansa bilang teroristikong organisasyong dayuhan. Sa pahayag na ipinalabas ng Supreme National Security Council ng Iran. Sinabi nitong ang naturang aksyon ng Amerika ay grabeng banta sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito at buong daigdig. Bilang paghihiganti, ipinatalastas din ng Iran na ang mga puwersang military ng United States Central Command ay ituturing nila bilang teroristikong organisasyon.
Hinggil dito, ipinahayag ni Lu Kang na sa mula't mula pa'y, ang paghawak sa relasyon sa pagitan ng mga bansa ay dapat sumunod sa prinsipyo ng Charter of the United Nations, at hindi dapat isagawa ang power politics at bullyism.
Salin:Sarah