Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-15 ng Abril 2019, sa Beijing, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) ay isa sa mga priyoridad ng kooperasyong Sino-Europeo.
Ayon kay Lu, sa katatapos na biyahe ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Europa, nabanggit ang pag-uugnayan ng BRI at Strategy on Connecting Europe and Asia ng Unyong Europeo sa kapwa magkasanib na pahayag sa Ika-21 Summit ng Tsina at Unyong Europeo at dokumentong pangkooperasyon sa Ika-8 Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa.
Sinabi rin ni Lu, na sa malapit na hinaharap, idaraos sa Beijing ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, at dadalo rito ang mga lider o mataas na kinatawan ng mga bansang Europeo. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig na kinabibilangan ng mga bansang Europeo, na talakayin ang mga hakbangin sa magkasamang pagpapasulong ng BRI, para isakatupan ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong kasaganaan.
Salin: Liu Kai