Idinaos kamakailan sa Zhengzhou, lunsod sa gitang Tsina, ang talakayan hinggil sa mga modelong proyekto ng kooperasyong pandaigdig sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).
Sa talakayan, isinalaysay ng panig Tsino ang mga proyekto ng BRI na isinasagawa sa pamamagitan ng multinasyonal na kooperasyon. Isang halimbawa na kabilang dito ay isang power and desalination plant sa Saudi Arabia na ginawa ng mga kompanya ng Tsina, Alemanya, Espanya, Amerika, at Timog Korea.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhou Xiaofei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na bukas para sa lahat ang mga proyekto ng BRI. Maaari aniyang lumahok, hindi lamang ang mga bahay-kalakal ng mga bansang kalahok sa Belt and Road, kundi rin ang mga bahay-kalakal ng ibang mga maunlad na bansa, transnayonal na kompanya, pandaigdig na institusyong pinansyal, at professional service provider, para magkakasamang magsagawa ng mga proyekto, at isakatuparan ang komprehensibong kapakinabangan.
Salin: Liu Kai