Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Martes, Abril 16, 2019, nitong unang kuwarter ng taong ito, lumampas sa 25 bilyong dolyares ang puhunan ng Tsina sa ibayong dagat. Kabilang dito, umabot sa 3.76 na bilyong dolyares ang bagong puhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa 49 na bansang kasapi ng Belt and Road Initiative (BRI), at mas mataas ito ng 4.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.
Ayon din sa datos, nitong unang tatlong buwan, ang puhunang Tsino sa mga bansang dayuhan ay pangunahin na nagbuhos sa mga sektor na gaya ng serbisyo ng pagpapaupa at komersyal, manupaktura, pamamakyaw at tingian, at serbisyo ng information and technology communication (ITC).
Salin: Jade
Pulido: Mac