Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipagtagpo sa pangkalahatang kalihim ng Ministring Panlabas ng Malaysia

(GMT+08:00) 2019-04-17 15:31:22       CRI

Nakipagtagpo Martes, Abril 16, 2019 sa Beijing si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Muhammad Shahrul Ikram Yaakob, Pangkalahatang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Malaysia na kalahok sa ika-4 na round ng estratehikong pagsasanggunian ng Tsina at Malaysia.

Sinabi ni Wang na hinahangaan ng panig Tsino ang Asian Values na iminungkahi ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ng Malaysia. Winewelkam niya ang pagdalo ni Mahathir sa gaganaping ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Dagdag niya, lipos ng kompiyansa ang panig Tsino sa pag-unlad ng relasyong Sino-Malay sa hinaharap.

Nagpahayag naman si Shahrul ng kahandaan ng panig Malay na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa panig Tsino sa mataas na antas, palalimin ang mapagkaibigang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pag-ibayuhin ang relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>