Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Huwebes, Abril 18, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, lumampas ang puhunang dayuhan sa 242.2 bilyong yuan RMB o 36.1 bilyong dolyares. Mas mataas ito ng 6.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.
Kabilang dito, malakihang tumaas ang puhunang dayuhan sa high-tech manufacturing at high-tech service. Tumaas ng 14.8% ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan sa high-tech manufacturing, samantalang umakyat ng 88% ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan sa high-tech service.
Salin: Jade
Pulido: Mac