Tungkol sa pagpadala ni Pangulong Xi Jinping ng liham bilang tugon sa mga estudyanteng Amerikano, sinabi ni Geng Shuang, Abril 22, 2019, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay hindi unang pagkakataong tumugon si Xi sa mga estudyanteng dayuhan, at ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng pangulong Tsino sa pagpapalitang kultural ng Tsina at iba pang bansa.
Aniya, sa liham na sinulat sa pamamagitan ng Wikang Tsino na ipinadala ng mahigit 40 estudyante mula sa Niles North High School sa Illinois, Amerika, iniharap nila ang mga kawili-wiling tanong kay Xi. At sumagot si Xi sa liham hinggil sa kaniyang gawain, pamumuhay, at libangan. Hinimok din ni Xi ang mga estudyanteng pag-ibaguhin ang pag-aaral ng Wikang Tsino, at magbigay ng bagong ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Winiwelkam din ani Xi ang mga estudyanteng bumisita sa Tsina.
Salin:Lele