|
||||||||
|
||
Sa kani-kanilang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, na idinaos kahapon, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, ipinahayag ng mga dayuhang lider ang positibong pagtasa sa natamong bunga at prospek ng Belt and Road Initiative (BRI).
Sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), na ang Tsina ay naging pangunahing lakas ng pagpapasulong sa kooperasyong pandaigdig at pangangalaga sa multilateralismo. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa BRI at sa pag-uugnayan ng BRI at UN 2030 Agenda for Sustainable Development.
Sinabi naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na magkakaangkop ang BRI at proposal ng Greater Eurasian Partnership ng Rusya. Makakabuti aniya ang dalawang ito sa pagsasakatuparan ng maharmonya at sustenableng pag-unlad ng Europa at Asya.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ng Malaysia ang buong lakas na pagkatig sa BRI. Makikinabang aniya sa inisyatibang ito ang lalo pang maraming bansang kinabibilangan ng Malaysia.
Sinabi naman ni Pangulong Abdel Fattah el-Sisi ng Ehipto, na ang BRI ay angkop sa mga priyoridad at target ng planong pangkaunlaran ng Ehipto. Ipinalalagay niyang ang inisyatibang ito ay puwedeng patuloy na maging batayan ng kooperasyong pandaigdig.
Sumang-ayon naman si Pangulong Sebastian Piñera ng Chile sa mga prinsipyong pangkooperasyon na iniharap ni Pangulong Xi. Ipinalalagay niyang ang BRI ay mabuting plataporma hindi lamang para sa pagpapasulong ng malayang kalakalan at pangangalaga sa multilateralismo, kundi rin sa pagpapalago ng kabuhayan ng iba't ibang bansa at pagdaragdag ng benepisyo sa mga mamamayan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |