Idinaos Mayo 15, 2019, sa Hong Kong ang pulong ng pag-uugnay ng Guangxi at Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Kalahok dito ang halos 500 kinatawan mula sa mga departamento, samahan, organisasyong pinansyal at bahay-kalakal, media at iba pang sirkulo ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi at Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ng Tsina.
Ipinahayag ni Lu Xinshe, Kalihim ng Rehiyonal na Komite ng Partido Komunista ng Tsina sa Guangxi na ang Guangxi ay mahalagang pinanggagalingan ng hilaw na materyal, produktong agrikultural, at lakas-manggagawa na maaaring puntahan ng industrya ng Greater Bay Area. May pagkokomplemento sa isa't isa ang dalawang lugar, malaki ang potensyal at malawak ang prospek ng pagpapalalim ng kooperasyon, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng HKSAR na mahigpit ang kooperasyon ng Hong Kong at Guangxi. Nitong ilang taong nakalipas, ang Hong Kong aniya ay pinakamalaking pinanggagalingan ng pamumuhunan at ika-2 pinakamalaking partner ng kalakalan ng Guangxi, at ang mga prinsipyo ng Closer Economic Partnership Arrangement (CEPA) ay nagpapataas ng pagbubukas ng kalakalang panserbisyo ng Hong Kong at Guangxi sa bagong lebel.
Salin:Lele