Pagkaraan ng kanyang 3-araw na biyahe sa Tsina, ipinahayag kahapon, Martes, ika-28 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Takehiko Nakao, Gobernador ng Asian Development Bank (ADB), na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay isang magandang inisyatiba. Kung may mga angkop na proyekto ang BRI, nakahanda aniya ang ADB na lumahok sa mga ito.
Sa panahon ng kanyang pagdalaw, kinausap si Nakao ng mga opisyal ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Pananalapi, at Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina. Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapasulong pa ng partnership ng Tsina at ADB, at nilagdaan ang mga Memorandum of Understanding.
Salin: Liu Kai