Sa preskong idinaos ngayong araw, Sabado, ika-27 ng Abril 2019, sa Beijing, pagkaraan ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na 283 konkretong bunga ang natamo sa kasalukuyang porum.
Ayon kay Xi, kabilang sa naturang mga bunga ang mahigit 64 na bilyong Dolyares na mga kasunduan sa proyektong pangkooperasyong nilagdaan sa unang Belt and Road CEO Conference.
Sinabi rin ni Xi, na ilalabas ang isang magkakasanib na komunike ng porum, kung saan ilalakip ang mga narating na komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyong may mataas na kalidad sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI). Ani Xi, ang mga komong palagay ay sumasaklaw sa mga target, prinsipyo, at priyoridad ng kooperasyon ng BRI, at ang mga ito ay magiging patnubay sa pagsasagawa ng kooperasyon ng BRI sa hinaharap.
Dagdag ni Xi, umaasa siyang sa pamamagitan ng porum na ito, darami ang mga katuwang ng BRI, tataas ang kalidad ng kooperasyon, at gaganda pa ang prospek ng inisyatibang ito. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na patatagin, palalimin at payamanin ang kooperasyon ng BRI.
Salin: Liu Kai