Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi at Abdullah, bumati sa ika-45 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia

(GMT+08:00) 2019-05-31 19:01:53       CRI
Nagpadala ng mensahe sa isa't isa ngayong araw, ika-31 ng Mayo 2019, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at King Sultan Abdullah ng Malaysia, bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Sinabi ni Xi, na nitong 45 taong nakalipas, matatag ang relasyong Sino-Malay, at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay nagdudulot ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbigay ng positibong ambag sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito. Umaasa rin aniya si Xi, na sasamantalahin ng Tsina at Malaysia ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, para magkaloob ng bagong nilalaman sa komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, at magbigay ng bagong lakas sa pag-unlad ng rehiyong ito.

Ipinahayag naman ni Abdullah ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyong Malay-Sino at paglalim ng pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan nitong 45 taong nakalipas. Umaasa aniya siyang patuloy na uunlad ang relasyong ito, at magdudulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan.

Nang araw ring iyon, nagpadala rin ng mensahe sa isa't isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia bilang pagdiriwang sa nabanggit na okasyon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>