Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM Malay: pag-unlad ng Tsina, nagdudulot ng pakinabang sa daigdig

(GMT+08:00) 2019-04-20 15:49:52       CRI
Sa panayam kamakailan kaugnay ng kanyang pagdalo sa gagawing Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, sinabi ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ng Malaysia, na ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng pakinabang sa daigdig.

Sinabi ni Mahathir, na ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay malikhaing ideyang makakabuti sa pag-uugnayan at pagtutulungan ng iba't ibang bansa. Positibo aniya ang Malaysia sa inisyatibang ito, at nakahandang aktibong lumahok dito.

Ipinalalagay ni Mahathir, na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa mga aspekto ng manupaktura, information technology, at iba pa. Ang mga ito aniya ay hindi lamang nagdudulot ng malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao, kundi nagkakaloob din ng bagong pagkakataon para sa kasaganaan ng daigdig.

Ipinahayag din ni Mahathir, na hindi lamang ang Malaysia, kundi rin ang buong daigdig ay makikinabang sa pag-unlad ng Tsina. Umaasa aniya siyang magiging mas malawak ang kooperasyong Malay-Sino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>