|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Hunyo 4, 2019, ipinahayag ng isang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na noong isang taon, may intensyong balewalain ng Amerika ang pagpapatupad ng magkasanib na pahayag ng Hilagang Korea at Amerika na narating sa Singapore. Aniya, lantarang hinihiling ng Amerika sa Hilagang Korea na unilateral na itakwil ang planong nuklear. Kung pawawalang-bisa o hindi ang nasabing magkasanib na pahayag ay ganap na depende sa kung paano sasagutin ng panig Amerikano ang posisyon ng panig Hilagang Koreano, dagdag niya.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Miyerkules, Hunyo 5, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asa ng panig Tsino na isasaalang-alang ng dalawang panig ang makatwirang pagkabahala ng isa't-isa para mapasulong ang pagtatamo ng proseso ng kalutasang pulitikal sa isyu ng Korean Peninsula.
Dagdag pa ni Geng, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para sa usaping ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |