Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pinabulaanan ang pananalita ni Pompeo hinggil sa Xinjiang

(GMT+08:00) 2019-06-12 11:38:50       CRI

Pinabulaanan ntiong Martes, Hunyo 11, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pananalita ni Kalihim Mike Pompeo hinggil sa isyu ng Xinjiang, dahil sa kakulangan sa mga may kinalamang karunungan at kaalaman.

Ani Pompeo, di kukulangin sa isang milyong Muslim ang idinetine ng pamahalaang Tsino sa mga "re-education camp" sa Xinjiang. Kasabay nito, sinisira din ng Tsina, dagdag ni Pompeo, ang kalayaang panrelihiyon ng mga kabahayang Muslim at tinatangkang lipulin ang kulturang Uyghur at pananampalatayang Islamiko.

Bilang tugon, sinabi ni Geng na di-umiiral ang mga di-umano'y "re-education camp" sa Xinjiang. Sa halip, legal na isinasaoperasyon ang mga sentro ng bokasyonal edukasyon at pagsasanay na naglalayong tulungan ang mga mamamayang apektado ng kaisipang terorista at ekstrimista. Ito'y upang magkaroon sila ng kahusayan, para matustusan ang sarili at muling makisalamuha sa lipunan. Bunga nito, tatlong taon singkad na walang naganap na pangyayaring teroristiko sa Xinjiang, dagdag pa ni Geng.

Diin ni Geng, tinatamasa ng iba't ibang lahi sa Xinjiang ang kalayaan sa pananampalataya, ayon sa batas. Aniya, mahigit 24,400 moske ang matatagpuan sa Xinjiang, ibig sabihin, bawat 530 Muslim ay may akses sa isang moske. Ayon naman sa bukas na datos, wala pa sa 1/10 ng sa Xinjiang ang bilang ng mga moske sa buong Amerika, dagdag pa ni Geng.

Saad din ni Geng, maayos na pinoprotektahan at kinakalat ang kulturang Uyghur, at ang lahat ng mga grupong etniko sa Xinjiang ay may karapatang gumamit ng sariling wikang panlahi.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>