|
||||||||
|
||
Ipinalabas Lunes, Marso 18, 2019, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Paglaban sa Terorismo, Pakikibaka Laban sa Ekstrimismo, at Paggarantiya sa Karapatang Pantao ng Xinjiang."
Anang white paper, ang terorismo ay komong kalaban ng buong sangkatauhan na dapat magkakasama itong bigyang-dagok ng komunidad ng daigdig. Tinututulan anito ng pamahalaang Tsino ang terorismo at ekstrimismo sa lahat ng porma.
Anito, sa harap ng realistikong banta mula sa terorismo at ekstrimismo, isinasagawa ng Xinjiang ang mga mahigpit na hakbangin para maigarantiya ang mga pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad.
Anito pa, ang paglaban sa terorismo at ekstrimismo sa Xinjiang ay mahalagang bahagi ng pakikibaka ng komunidad ng daigdig. Ito ay ganap na angkop sa mga layunin at prinsipyo ng United Nations (UN) sa pagbibigay-dagok sa terorismo at pangangalaga sa pundamental na karapatang pantao, dagdag pa ng dokumento.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |