Sa kanyang talumpati sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, Kyrgyzstan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ilalim ng pabagu-bagong kalagayan sa daigdig, dapat igiit ang Diwa ng Shanghai bilang nukleong halaga at komong mithiin ng SCO.
Sinabi rin ni Xi, na batay sa pagbabago ng kalagayan at pag-unlad ng SCO, kailangang walang humpay na bigyan ng bagong nilalaman ang Diwa ng Shanghai.
Salin: Liu Kai