Sa kanyang talumpati sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, Kyrgyzstan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat ibayo pang pasulungin ng SCO ang pagbubukas, pagpapalitan, at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga hakbangin sa aspekto ng pagpapalaya at pagsisimple ng kalakalan at pamumuhunan, paggamit ng mga platapormang pangkooperasyon na gaya ng China International Import Exhibition, at pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative at mga estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansa.
Iniharap din ni Xi ang mga konkretong aspektong pangkooperasyon na gaya ng konektibidad sa imprastruktura, digital economy, E-commerce, artificial intelligence, big data, modernong agrikultura, at iba pa.
Salin: Liu Kai