Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prinsipyo ng BRI na magkakasamang konsultasyon, kooperasyon at ibinabahaging benepisyo, pagpapatupad sa multilateralismo

(GMT+08:00) 2019-06-14 11:19:03       CRI

Ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga prinsipyo ng Belt and Road Initiative (BRI) na magkakasamang konsultasyon, magkakasamang pagtatatag at ibinabahaging kapakinabangan ay pagpapatupad sa multilateralismo.

Winika ito ni Geng sa regular na preskon nitong Huwebes, Hunyo 13, bilang tugon sa ulat ng Asia Society Policy Institute, think tank na Amerikano. Batay sa mga diskusyon ng nasabing think tank sa mga bansang kasali sa BRI at field research, pinapurihan ng ulat, na pinamagatang Navigating the Belt and Road Initiative, ang pakay at kahalagahan ng inisyatiba. Mababasa rin sa ulat ang mga pananaw at mungkahi hinggil sa BRI.

Saad ni Geng, kinilala ng naturang ulat ang positibong papel ng BRI sa pagpapasulong ng konektibidad ng imprastruktura, at kaunlarang pangkabuhayan ng mga kasaping bansa. Pinahahalagahan at pag-aaralan pa ani Geng, ng panig Tsino ang mga pananaw at mungkahi sa ulat.

Iniharap ng Tsina ang BRI noong 2013 para sa komong kasaganaan. Nitong anim na taong nakalipas, mahigit 150 bansa't organisasyong pandaigdig ang lumagda sa kasunduan ng magkakasamang pagpapasulong ng BRI.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>