Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: G20 Osaka Summit, nagpahayag ng malakas na tinig hinggil sa pagkatig sa multilateralismo

(GMT+08:00) 2019-06-30 17:21:06       CRI
Ipininid kahapon, Sabado, ika-29 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, ang Ika-14 na G20 Summit. Pinagtibay sa summit ang deklarasyon, kung saan binigyang-diin ng G20 ang pagsasakatuparan ng kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan na malaya, pantay-pantay, walang pagtatangi, maliwanag, may prediksyon, at matatag. Inilakip sa deklarasyon ang pagkatig sa pagsasagawa ng kinakailangang reporma sa World Trade Organization. Inulit din sa deklarasyon ng mga bansa ng G20 na signatoryong panig din ng Paris Agreement on Climate Change ang buong higpit na pagsasagawa ng kasunduang ito. Sa sidelines ng summit, isinagawa rin ng mga lider ng G20 ang mga bilateral at multilateral na diplomatikong aktibidad.

Sa ilalim ng kalagayang naaapektuhan ng proteksyonismo at unilateralismo ang kayariang industriyal, katatagang pinansyal, at kompiyansa sa pamumuhunan sa buong mundo, ang kasalukuyang G20 ay naging mahalagang plataporma ng pagtataguyod ng multilateralismo, paglutas sa mga isyu, at pagpapalakas ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig.

Kabilang dito, sa pamamagitan ng kanyang talumpati sa summit at mga diplomatikong aktibidad, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigan sa pagharap sa kasalukuyang mga problema sa kabuhayang pandaigdig at pangangasiwa ng mundo. Halimbawa, ipinatalastas ni Xi ang limang hakbangin ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, bilang patuloy na pagbibigay ng lakas sa globalisasyong pangkabuhayan. Binigyang-diin niya ang kooperasyon, inabasyon, at pag-unlad. Ipinahayag din niya ang pagtataguyod sa bagong relasyong pandaigdig, bukas na kabuhayang pandaigdig, pulitikal na paglutas sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at iba pa. Samantala, sa pakikipagtagpo ni Xi kay Pangulong Donald Trump ng Amerika, inilabas ng dalawang lider ang mga positibong signal, na gaya ng pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano batay sa koordinasyon, kooperasyon, at katatagan, at pagpapanumbalik ng pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sa pagtatagpo naman ni Xi at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, narating ng dalawang lider ang sampung komong palagay hinggil sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon at magkasamang pangangalaga sa malaya at pantay na multilateral na sistemang pangkalakalan.

Kasabay nito, ang pagkatig sa multilateralismo ay naging posisyong inilabas sa G20 Osaka Summit ng mga lider ng mga bansa at organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan nina Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at iba pa.

Batay sa pag-asa ng mga tao, ipinahayag ng G20 Osaka Summit ang malakas na tinig hinggil sa multilateralismo, pagbubukas, at pagtutulungan. Sa susunod, ang pagpapatupad ng bunga ng summit ay magiging puntong pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig. Ang susi rito ay paggigiit ng iba't ibang kasapi ng G20 sa pananaw sa pinagbabahaginang kinabukasan at diwa ng partnership. Para naman sa Tsina, ang buong husay na paghawak ng sariling mga suliranin at pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad ay mananatiling pinakamatatag na aksyon nito sa mga mamamayan at buong daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>