Ayon sa ulat ng mainstream media ng Amerika, nagbitiw kamakailan sa tungkulin si Wu Xifeng, isang Chinese American professor ng University of Texas MD Anderson Cancer Center dahil inimbestigahan siya ng National Institutes of Health (NIH) at Federal Bureau Investigation (FBI). Tinukoy din ng ulat na ito ay hadlang sa pagpapalitang akademiko ng Amerika at Tsina, at makakasira ng sariling interes ng Amerika.
Bilang tugon sa nasabing ulat, hinimok Hulyo 8, 2019, ang panig Amerikano ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat itigil ang ilang maling aksyong nakakasira ng di-pampamahalaang pagpapalitan sa kultura, siyensiya at teknolohiya.
Salin:Lele