Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan at oposisyon ng Venezuela, mararating ang pagkakasundo sa lalong madaling panahon: Tsina

(GMT+08:00) 2019-07-10 09:59:16       CRI

Ipinahayag ng Tsina ang pag-asang mararating ng pamahalaan at oposisyon ng Venezuela ang pagkakasundo sa lalong madaling panahon. Pinasalamatan din ng Tsina ang pagsisikap dito ng Norway at iba pang mga bansa.

Winika ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Hulyo 9, kaugnay ng katatapos na ikatlong round ng talastasan ng pamahalaan at oposisyon ng Venezuela, sa pamamagitan ng Norway.

Diin ni Geng, hindi nagbabago at malinaw ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Venezuela, ibig sabihin, kailangang lutasin ito ng pamahalaan at oposisyon ng bansa, sa pamamagitan ng inklusibo at kusang-loob na diyalogong pulitikal, sa ilalim ng balangkas ng Saligang Batas. Sa prosesong ito, kailangang sundin ang Karta ng United Nations (UN) at mga saligang norma ng pandaigdig na relasyon, dagdag pa ni Geng. Umaasa aniya ang Tsina na igagalang ng komunidad ng daigdig ang mga prinsipyo ng pandaigdig na batas at alinsunod dito, gaganap ng konstruktibong papel, para matulungang marating ang kalutasang pulitikal hinggil sa isyu ng Venezuela.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>