Sa regular na preskon ngayong araw, Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2019, sinabi ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ayon sa kahilingang iniharap ng mga lider na Tsino at Amerikano sa pagtatagpo sa Osaka, Hapon, panunumbalikin ng dalawang bansa ang pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan.
Ipinahayag din ni Gao, na dapat maayos na lutasin ang mga nukleong pagkabahala ng panig Tsino. Nananalig din aniya siyang isasaalang-alang ng kapwa panig ang makatwirang pagkabahala ng isa't isa, batay sa pantay na diyalogo. Ang resultang ito ay magiging angkop sa interes hindi lamang ng Tsina at Amerika at kani-kanilang mga mamamayan, kundi rin ng buong mundo at mga mamamayan ng iba't ibang bansa, dagdag ni Gao.
Salin: Liu Kai