Tungkol sa ipinahayag na pagkabahala ng Amerikano opisyal hinggil sa proyekto ng ZTE sa Argentina, hinimok Hulyo 8, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Amerika na obdyektibong tingnan ang kooperasyon ng Tsina at Latin Amerika, at umiwas sa walang katuwirang pagbatikos. Sa halip tumulong sa pag-unlad ng Latin Amerika.
Ipinahayag ni Geng na laging pinupuna ng ilang opisyal Amerikano ang kagamitan at teknolohiya ng Tsina bilang banta sa seguridad ng bansa, pero, hanggang sa kasalukuyan, wala pa itong ipinakikitang anumang convincing evidence. Aniya pa, isinaalang-alang ng mga bansa ng Latin Amerika ang sariling interes at seguridad. Hindi kinakailangan ang pakikialam mula sa Estados Unidos.
Salin:Lele