Nitong Miyerkules, Hulyo 10, 2019, nangulo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina kung saan tiniyak ang mga hakbangin upang ibayo pang mapatatag ang kalakalang panlabas at mapasulong ang pag-unlad at paghanap-buhay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pagbubukas.
Kabilang sa nasabing hakbangin ay una, dapat pabutihin ang polisya ng pinansya at taripa, at patuloy na pag-aralan ang pagpapababa ng pangkalahatang lebel ng import tariff; ikalawa, dapat palakasin ang suportang pinansyal; ikatlo, dapat pabilisin ang pag-unlad ng cross-border e-commerce, at iba pang mga bagong industriya; ikaapat, dapat pataasin ang lebel ng pagpapaginhawa ng kalakalan.
Salin: Li Feng