Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagtatanim ng kaguluhan ng mga puwersang panlabas sa Hong Kong, hinding hindi pahihintulutan

(GMT+08:00) 2019-07-24 15:02:50       CRI

Kaugnay ng serye ng mga ekstrimistikong karahasan na naganap kamakailan sa Hong Kong, walang humpay na nagpalabas ng maling pananalita ang mga opisyal ng Amerika at Britanya. Anila, dapat igalang ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang kalayaan sa pananalita at pagtitipun-tupon, at dapat igarantiya ang karapatan sa awtonomiya ng Hong Kong. Binaligtad ng ganitong pananalita ang tama at mali. Ang naturang pangyayari ay hindi lamang paghamon sa baseline ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," kundi magaslaw ding pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Hinggil dito, ipinahayag ng Tsina ang matinding kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol.

Ang Hong Kong ay isang lipunan na pinangangasiwaan batay sa batas. Iginagarantiya ng pundamental na batas ng HKSAR ang kalayaan at karapatan ng mga taga-Hong Kong sa pananalita, pagtitipun-tipon, parada at demonstrasyon. Pero habang ginagamit ang nasabing mga karapatan, dapat igalang ng sinumang residente ng Hong Kong ang karapatan ng ibang tao, at hindi dapat makaapekto sa kaayusan at kaligtasang pampubliko ng Hong Kong. Ang mga aksyon ay hinding hindi rin dapat lalampas sa baseline ng batas, at ipinagbabawal ang marahas na krimen.

Nitong nakalipas na 22 taon sapul nang bumalik sa inang bayan ang Hong Kong, ayon sa konstitusyon ng Tsina at saligang batas ng Hong Kong, totoong ipinatupad ng pamahalaang Tsino ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," "pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong," at awtonomiya sa mataas na antas. Tunay na nagtatamasa ng demokratikong karapatan at kalayaan ang mga residente ng Hong Kong na walang katulad sa kasaysayan, alinsunod sa batas. Samantala, tumaas sa 2.84 trilyong Hong Kong Dollar ang GDP ng Hong Kong noong 2018, mula 1.37 trilyong Hong Kong Dollar noong 1997. Pinatutunayan nito na ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay pinakamagandang solusyon sa mga problemang naiwan ng kasaysayan, at pinakamagandang sistema rin para sa pagpapanatili ng pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong pagkaraang bumalik sa inang bayan.

Ayon sa ilang impormasyong isiniwalat kamakailan ng media, ang mga marahas at kriminal na aktibidad kamakailan ay minanipula, binalak, ini-organisa at isinagawa ng mga puwersang panlabas. Mula ilegal na Occupy Central noong 2014 hanggang sa kasalukuyang marahas at kriminal na insidente, walang humpay na itinatanim ng mga puwersang panlabas ang kaguluhan sa Hong Kong. Tinatangka rin nilang sirain ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at kunin ang kapangyarihang administratibo ng Hong Kong, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng sariling puwersa, para lumikha ng kaguluhan sa Hong Kong at sa Tsina.

Noong Hulyo 20, mapayapang nagtipun-tipon ang mahigit 300,000 taga-Hong Kong, para ipanawagan ang pangangasiwa batay sa batas, kapayapaan, katatagan at pagkakaisa. Napagtanto ng mga taga-Hong Kong na kung walang kaligtasan at katatagan, hinding hindi maigagarantiya ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan sa Hong Kong.

Ang mga suliranin ng Hong Kong ay isyung panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang pakikialam dito ng anumang dayuhang pamahalaan, organo at indibiduwal, sa anumang paraan. Malayang puwerto ang Hong Kong, pero hinding hindi pahihintulutan ang pagtatanim ng kaguluhan ng mga puwersang panlabas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>