Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Mga bansang kanluranin, dapat hiramin ang karanasan ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo

(GMT+08:00) 2019-07-17 11:44:02       CRI

Kamakailan ay magkakasamang nagpadala ng liham sa Tagapangulo ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) at UN High Commissioner for Human Rights ang mga pirmihang embahador ng 37 bansa sa Geneva na kinabibilangan ng Rusya, Saudi Arabia, at Pakitan. Binigyan ng positibong pagtasa ng liham ang tagumpay ng usapin ng karapatang pantao ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, at mga natamong bunga nito sa paglaban sa terorismo at de-extremization. Ipinapakita nitong makatarungan ang pagtasa ng komunidad ng daigdig sa pag-unlad ng Xinjiang, at tiyak na mabibigo ang tangka ng ilang bansang kaluranin na dungisan ang Xinjiang at patawan ng presyur ang Tsina, sa ngalan ng karapatang pantao. Dapat tularan nila ang karanasan ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo, upang resolbahin ang sarili nilang problema.

Kabilang sa nasabing 37 bansa ang maraming bansang Islamiko, at noong nagdaang Hunyo, bumisita sa Xinjiang ang mga diplomata ng ilang bansang ito. Sumaksi sila sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, at harmonya't katatagan ng lipunan sa lokalidad, kaya mapanghikayat ang kanilang pagtasa sa isyu ng Xinjiang.

Nitong nakalipas na ilang panahon, tuluy-tuloy na pinalaganap ng ilang kanluraning puwersang pulitikal at media ang iba't ibang tsismis, at isinagawa ang tikis na paninirang-puri sa lehitimong patakaran ng Tsina sa paglaban sa terorismo at de-extremization. Halimbawa, sinisiraan nila ang sentro ng pagsasanay sa vocational education para sa de-extremization, at sinasabi nilang ito ay "re-education camps."

Lubos na bulag sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng Xinjiang ang ganitong pananalita. Sapul noong 1990, ang tinaguriang "tatlong puwersa" ng Xinjiang ay madalas na lumikha ng mga malubhang teroristikong pag-atake, kung saan maraming inosenteng mamamayan ang namatay o nasugatan, at grabeng sumira sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa lokalidad. Kaugnay nito, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin, alinsunod sa batas, para mapangalagaan ang katatagan ng lipunan ng Xinjiang, bigyang-dagok ang mga terorista, at mapangalagaan, sa abot ng makakaya, ang karapatang pantao.

Ayon sa mga ito, kapansin-pansin ang bunga ng mga hakbanging kontra-terorismo na gaya ng pagtatayo ng sentro ng pagsasanay ng vocational education. Hanggang sa kasalukuyan, hindi naganap sa Xinjiang ang mga marahas o teroristikong insidente nitong nakalipas na 3 taon. Noong 2018, lumaki ng 6.1% ang GDP ng Xinjiang, at lampas sa 150 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga turistang tinanggap nito sa buong taon.

Ang terorismo at ekstrimismo ay komong hamong kinakaharap ng buong mundo. Walang karapatan ang mga bansang kanluranin na magsalita ng kung anu-ano hinggil sa isyu ng Xinjiang, at makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwirang ito. Karapat-dapat na bisitahin ng ilang bansang kanluranin ang Xinjiang, para hiramin ang karanasan nito kontra-terorismo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>