Pinagtibay nitong Huwebes ng European Parliament ang resolusyon hinggil sa isyu ng Hong Kong, kung saan hinihiling nito sa pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na tanggalin ang akusasyon sa di-umanong mga "mapayapang demonstrador," at isagawa ang imbestigasyon sa mga aksyon ng pagpapatupad ng batas ng panig pulisya ng Hong Kong. Ipinakikita ng mga kahilingang ito ang pagsasawalang-bahala ng panig Europeo sa mga marahas na pagsalakay sa mga pulis na naganap kamakailan sa panahon ng mga demonstrasyon at pakikialam nito sa mga suliraning panloob ng Tsina. Bilang tugon, ipinahayag ng panig Tsino ang buong tinding pagkondena at buong tatag na pagtutol.
Nitong mga nakalipas na panahon, inatake ng mga ekstrimista sa Hong Kong ang gusali ng Konsehong Lehislatibo, blinokeyo ang mga daan, at sinalakay ang mga pulis. Ang mga marahas na aksyong ito ay organisado at may pakana. Ang mga ito ay hindi kabilang sa mapayapang demonstrasyon, salungat sa "rule of law," at labag sa patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema." Ito ay hindi kinukunsinti ng anumang soberanong bansa. Samantala, sa pamamagitan ng pinakamalaking pagtitimpi, pinangalagaan ng mga pulis na taga-Hong Kong ang kaayusang panlipunan. Pero, marahas na sinalakay sila ng mga di-umanong demonstrador, at hanggang sa kasalukuyan, 13 pulis ang nasugatan.
Ang ganitong karahasang malawak na binabatikos at kinokondena ng komunidad ng daigdig ay tinatawag ng panig Europeo na "mapayapang demonstrasyon." Ito ay nagpapakita ng double standard ng panig Europeo sa karahasan, at ito rin ay paglabag sa mga pandaigdig na batas at saligang norma ng relasyong pandaigdig.
Sa kasalukuyan, nabuo ang bagong European Parliament, at nagkakaroon ng bagong pagkakataon ang relasyong Sino-Europeo. Ang pagpapatibay ng European Parliament ng nabanggit na resolusyon ay maling signal sa labas, at hindi makakabuti sa pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo. A ng isyu ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang anumang dayuhang bansa, organisasyon, o tauhan. Dapat sundin ng panig Europeo ang prinsipyong ito, at isagawa ang mga aktuwal na aksyon, para igarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
Salin: Liu Kai