Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

UNAMA, kinondena ang teroristikong pag-atake sa Afghanistan

(GMT+08:00) 2019-08-19 14:50:37       CRI

Inilabas Linggo, Agosto 18, 2019 ng United Nations Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA) ang pahayag bilang kondemnasyon sa suicide bombing attack na naganap Sabado ng gabi sa dakong kanluran ng Kabul, kabisera ng Afghanistan.

Sa nasabing pahayag, kinondena ni Tadamichi Yamamoto, Espesyal na Kinatawan ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa Isyu ng Afghanistan at namamahalang tauhan ng UNAMA, ang sinadyang pang-aatake na nakatuon sa mga sibilyan. Binigyang-diin niyang dapat palakasin ang umiiral na hakbangin ng pangangalaga, at parusahan ang mga may kagagawan ng pag-oorganisa at paglulunsad ng ganitong uri ng pag-atake.

Aniya, patuloy na magpupunyagi ang UN, kasama ng mga mamamayang Afghan, para mapasulong ang prosesong pangkapayapaan ng Afghanistan.

Sumabog Sabado ng gabi ang bomba sa isang auditoryum sa kanlurang Kabul. 63 katao ang namatay, at mahigit 180 iba pa ang nasugatan. Inamin ng ekstrimistang organisasyong Islamic State (IS) na sila ang may kagagawan ng insidenteng ito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>