Kabul — Idinaos nitong Sabado, Hunyo 1, 2019 ang seremonya ng pagbibigay ng pangkagipitang tulong na pagkain ng pamahalaang Tsino sa pamahalaan ng Afghanistan. Lumagda ang mga kinatawan ng dalawang bansa sa kasunduan ng paglilipat ng mga materyal.
Sa seremonya, sinabi ni Liu Jinsong, Embahador ng Tsina sa Afghanistan, na makakapaghatid ang nasabing tulong ng benepisyo sa ilang daang libong mamamayang Afghani na apektado ng mga likas na kalamidad. Aniya, patuloy na magkakaloob ang panig Tsino ng makataong tulong sa panig Afghani. Nakahanda rin ang Tsina na aktibong hikayatin ang mga bahay-kalakal na Tsino sa pakikilahok sa rekonstruksyong pangkabuhayan ng Afghanistan, dagdag niya.
Salin: Li Feng