Sa panahon ng kanyang pagdalo sa Ika-16 na China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Expo (CAExpo), ipinahayag Sabado, Setyembre 21, 2019 ni Hua Jingdong, Pangalawang Presidente ng World Bank (WB) na sa pamamagitan ng mga platapormang gaya ng CAExpo, mabilis na pinapaunlad ng Tsina at ASEAN ang rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan. Aniya, ang ganitong kooperasyon ay hindi lamang makakabuti sa pag-unlad ng Tsina at ASEAN, kundi karapat-dapat na hiramin din ng ibang bansa.
Saad ni Hua, natamo ng Tsina ang napakalaking tagumpay sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, at sa pamamagitan ng mga plataporma nila ng ASEAN, pinalaganap ng Tsina ang bentahe sa aspektong ito sa rehiyon ng ASEAN. Kabilang dito, napakainam ang natamong bunga ng kooperasyon sa mga pandaigdigang organong pinansyal sa ilang proyekto.
Umaasa ang WB na sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road, mapapalakas ang malawakang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, dagdag ni Hua.
Salin: Vera