Nanning, Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina—Mula ika-21 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2019, idinaraos ang Ika-16 na China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit. Kalahok dito ang mahigit 2,800 bahay-kalakal mula sa mahigit 30 bansa na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN. Ang country of honor sa kasalukuyang CAExpo ay Indonesia.
Nitong nakalipas na 10 taong singkad, ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at ang ASEAN naman ngayon ay ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina. Noong unang hati ng taong ito, 291.85 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina't ASEAN, at ito ay lumaki ng 4.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang CAEXpo ay nagsilbing mahalagang pinto ng pagpasok ng mga paninda ng iba't ibang bansang ASEAN sa Tsina.
Salin: Vera