Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga ministrong pandepensa ng Tsina at Amerika, nagtagpo sa Bangkok

(GMT+08:00) 2019-11-18 18:10:43       CRI

Nagtagpo Lunes ng umaga, Nobyembre 18, 2019 sa Bangkok, Thailand sina Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Mark Esper, Kalihim Pandepensa ng Amerika.

Sa isang news briefing sa Bangkok nang araw ring iyon, isinalaysay ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na positibo at konstruktibo ang nasabing pagtatagpo. Aniya, nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa relasyon ng dalawang hukbo at mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Nagkaroon din sila ng ilang komong palagay, dagdag ni Wu. Ipinalalagay aniya ng kapuwa panig na ang relasyon ng dalawang hukbo ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Amerikano, at ang pagpapaunlad ng malusog at matatag na relasyon ng mga hukbo ay hindi lamang makakabuti sa dalawang bansa at kani-kanilang hukbo, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Dagdag ni Wu, dapat ipatupad ng mga departamentong pandepensa at hukbo ng dalawang bansa ang mga mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, at panatilihin ang regular na pag-uugnayan sa larangan ng seguridad na pandepensa. Dapat din palalimin ang pragmatikong kooperasyon, maayos na pangasiwaan at kontrolin ang alitan, at gawin ang positibong ambag para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano, kung saan ang batayan ay koordinasyon, kooperasyon at katatagan, ani Wu.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>