|
||||||||
|
||
Inilabas Miyerkules, Hulyo 24, 2019 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Pambansang Depensa ng Tsina sa Bagong Panahon." Komprehensibo nitong inilahad ang patakarang "depensa lamang" ng bansa sa bagong panahon, at malinaw na ipinakita sa daigdig ang estratehikong direksyon, pundamental na simulain, at katuturang pandaigdig ng konstruksyon ng depensa at tropa ng Tsina. Sa kauna-unahang pagkakataon, nilinaw ng white paper na magpakailanma'y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo, tututulan ang ekspansyon, at hindi itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya. Ginawang katuturang pandaigdig ng tanggulang bansa ng Tsina sa bagong panahon ang paglilingkod para sa pagtatatag ng community with a shared future for mankind. Ito ang mahalagang inobasyon sa patakarang pandepensa ng Tsina.
Sa kasalukuyan, malalimang pagbabago ang nagaganap sa estratehikong kayariang pandaigdig. Nasa mahalagang panahon din ng estratehikong pagkakataon ang pag-unlad ng Tsina, at nakikita ito sa iba't ibang masalimuot na banda at hamong panseguridad. Batay sa pagbabago ng kapaligiran at kalagayang pandaigdig, kailangang-kailangan para sa Tsina ang pagsasaayos at pagpapabuti ng estratehiyang panseguridad, at pagsasagawa ng repormang militar. Hinggil sa paraan ng pagbabago ng mga sandata at estratehiya, sa mula't mula pa'y buong tatag na iginigiit ng Tsina ang patakarang "depensa lamang" ng bansa.
Ayon sa white paper, ang saligang target ng tanggulang bansa ng Tsina sa bagong panahon ay buong tatag na pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at ang malinaw na katangian nito ay magpakailanma'y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo, tututulan ang ekspansyon, at hindi itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya.
Ang transparency ay isa pang tampok ng naturang dokumento. Halibawa, sa pamamagitan ng maraming detalyadong datos at chart, isinapubliko ang detalye ng defense expenditure ng bansa. Tinukoy nitong kumpara sa mga bansang may nangungunang defense expenditure sa daigdig noong 2017, medyo mababa ang lebel ng defense expenditure ng Tsina sa mga aspektong kinabibilangan ng porporsyon sa GDP at fiscal expenditure, per capita amount ng mga mamamayan, at per capita amount ng mga sundalo. Bukas at maliwanag ang defense expenditure ng Tsina, at makatwiran at angkop ang lebel ng gastos.
Samantala, sistematikong isinalaysay ng white paper ang pundamental na impormasyon ng iba't ibang uri ng hukbo pagkatapos ng reporma, at inilahad ang mga patakaran, hakbangin, bunga at target ng tropang Tsino sa muling pagbuo ng sistema ng pangangasiwa at pagpapatnubay, pagpapabuti ng estruktura at pagbuo ng puwersa, pagpapasulong sa reporma sa sistema ng patakarang militar, pagpapasulong sa komprehensibong kontruksyon ng tanggulang bansa at tropa at iba pang aspekto. Lubos nitong ipinakikita ang pagbubukas, katapatan, at pagtitiwala sa sarili ng tropang Tsino.
Walang duda, ang pinag-ibayong tropang Tsino ay nagsisilbing positibong puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayan ng daigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |